Monday, July 23, 2007

Idol Kong Boss

Idol ko talaga yung boss ko. Bukod sa magaling sya sa trabaho, he's really good at giving pieces of advice. Shempre work-related din noh! Some people kase are good at their jobs but suck at giving out pieces of advice. Ewan baka madmot lang. Ayaw lang nilang malamangan siguro.

But I really admire him. Galing!

Nahirapan na nga kasi ako sa work. Parang hindi innate sakin yung ginagawa ko. Parang ako yung dapat pang maexpose sa maraming trabaho bago mahasa. Hindi ata ako katulad ng iba na they have the talent na in the beginning palang. Kasi why would I feel this way kung hindi ako nahihirapan di ba?

I'm willing naman to learn. Interested talaga ako sa ginagawa ko. I really like what I'm doing and I'm planning to make this a career. I've chosen this as my specialization, ika nga ng boss ko.

Sunday, July 22, 2007

Impossible!!

"Ordinary people believe only in the possible. Extraordinary people visualize not what is possible or probable, but rather what is impossible. And by visualizing the impossible, they begin to see it as possible."
- Cherie Carter-Scott

I've been really depressed lately. Maybe because of the evaluation they gave me at work. So I tried to search for some "self-help" sites like self-help books.

I stumbled upon this site that contained this quote.

Naisip ko tuloy, maybe this is what those people have in mind. By "those people" I mean, yung mga taong sobrang confident. Yung maski wala nang dahilan para maging confident, taas noo paring naglalakad. I admire those people.

When I think of the word 'impossible', I relate it to the word 'dead end'. Impossible, hindi pwedeng gawin. But I think people have their own list of 'impossible things'. Mine's just a little longer. Pero what exactly is one's limit? Baka I've set mine too low. I mean yung limitations ko would be like 2 inches from my comfort zone while other people have a comfort zone that's a lot bigger and are willing to extend 2 miles pa from their comfort zone.

Saturday, July 21, 2007

Through My Boss's Eyes

Evaluation.

It's what losers fear most - being evaluated. Knowing your worth. Knowing what you're capable of.

Nung isang araw lang, naevaluate ako. Naevaluate yung performance ko as a trainee. It suddenly hit me. Hey, this isn't school anymore. It's like the 'real thing' already. You don't look cool anymore by breaking rules. You have no right to break the rules. You're not paying for their service anymore. You're being paid for your service.

Knowing how I'm doing made me think about these things. Nung nag-aaral pa kase ako, I had the attitude na, 'kaya pa naman bumawi next time'. Makapasa -- this was my main goal. What was the worst thing that could happen di ba? Have a failing mark. Yun lang naman ang naisip ko.

Pero as I've said, constructive criticism. You'll never know what you're doing wrong until someone corrects it.

Friday, June 22, 2007

Afraid of doing it all wrong

Afraid of doing it all wrong

Ang hirap magkamali. Sa maraming bagay, ang intensity or level ng difficulty nag iincrease sa pagdaan ng panahon. Nakakatakot mapagalitan dahil nagkamali ka. Nakakatakot majudge dahil mali yung nagawa mo.

I am presently a trainee sa field na napili kong pasukan. After a few months of training, I feel like I still have a lot to learn. I feel like I haven't learned anything.

Just the other day we were given a job. I spent the whole shift figuring out what to do and doing the whole thing. My brain was like 'hey, com'on! Give me some break!'. Coz it was only the second time I was given that kind of job. I had no idea on what I should do. So I just followed what I thought was right. Gawa nalang ng gawa. Kung mali, babaguhin naman nila yun.
Natapos ko naman but after our boss checked it out, he asked for the job to be revised - as in totally revised! Binura lahat ng ginawa ko and pinagawa sa iba. It took me 10 hours to do the job - the wrong way! It took a cotrainee to do the job 3 hours - the right way.

Bano. Nakakainis. I'm thinking 'Am I that stupid?!'. Kasi parang oo. Well, sabagay, siguro due to lack of experience kaya ganun nalang. Pero having a cotrainee do it for that short amount of time, shiyet! Narealize ko ang bano bano ko namn.

But it doesn't end there. Natatakot ako sa naisip nung boss namin. Was he thinking the same? Na ang stupid ko? Hay.

Ang hirap magkamali. Ang hirap iredeem ng sarili.

Addicted to Maritess

A lot of people have already watched "Maritess vs. the Superfriends". Ako first time kong napanuod yun the other day. Hehe. So funny. It was actually Rex's voice that made the animation
funny - and of course the barok english.

Sunday, June 17, 2007

Ang Alamat ng Unat na Buhok

Vanity requires a 'little sacrifice!

Ang Alamat ng Masakit na Anit
Once in a blue moon, naiisipan ko ding gawin yung mga bagay na gawaing pambabae o ika nga nila e 'girl thing'. Nung isang araw lang naisipan kong magparebond ng buhok. Hindi actually planado yun, okay lang kase maski buhaghag yung hair ko coz i don't really mind or i don't really care. Hindi naman ako yung tipo ng babaeng mag eeffort nang sobra just to look okay all the time. Hindi ako isa sa mga 'I won't be caught dead wearing that outfit!' type ng girl. Sinamahan ko lang yung dalawang katrabaho ko. Pero malakas ang convincing powers ni ate gandang blond na kulot so ayun, nagparebond na din ako. I really don't know why sometimes I can't say no. Mahirap tumanggi minsan. Ewan ko siguro dahil sa pride or siguro iwas arguement nalang. Di ba? Pag sinabi mong 'no', marami pa silang tanong at marami pa silang sasabihin, while pag sinabi mong 'yes' go na agad, gawa agad wala nang salita pa di ba? So yun nga, go na at shampoo ng hair ang drama ni ate sa hair ko.
I was expecting it to last for 2 hours lang. But after the second hour, hindi pa pala ako tapos, and yun nga nalaman ko nalang na yung procedure na ginagawa nila sa hair namen was 5 hours long! Okay lang. We had all the time in the world naman. Rest day naman yun.
Everything went fine, my scalp was just fine the first few hours. Pero nung nilabas na ni ate ang kanyang mahiwagang plancha at nagsimula na sya, dun na nagsimula ang tila ba walang habas nyang paghihiganti sa mundo through my hair! Ang lakas niya. To think na ang payat payat nya, meron pala shang itinatagong lakas! Ang sakit ng anit ko ever... Para akong sinasabunutan ng bakla! Parang gusto ko nalang sabihin sakanya 'ate, buhok ko yan.. dahan dahan naman. nakadikit pa sa anit ko yan'. Pero since I'm not that kind of person, hindi na ako nagsalita. I never complain about anything sa ibang tao. Minsan nasasaktan na ako pero I don't say a thing. Siguro he/she saw it through my face, nagtitwitch na siguro yung face ko so he/she asked me 'madam okay ka lang? hindi masakit?' i just smiled and said no. But the truth was, sobrang sakit bawat hila nya ng hair ko. I was counting the divisions she (na nga lang!) was making. And papanipis na ng papanipis yung naiiwang hindi pa napaplancha. I was so glad to see na konte nalang yung natira. I thought 3 divisions nalang. But it took like forever for her to finish the last section of my hair. During the process of pagpaplancha ng hair ko, nafeel ko na vanity really requires a little sacrifice. Sometimes, you'd have to undergo pain for vanity. But it pays off. Sa huli, at least manlang mag improve ng konte yung ichura mo di va?
Kamusta naman kaya ang muscles ni ate na nakuha nya from doing my hair?
Pero the next solution she applied to my hair, it was like heaven! Ang lamig nung solution and it felt very relaxing!

Vanity has a price!
Ang Alamat ng Butas na Wallet
hmmm... As I've said, I was not planning on having my hair fixed. So I was hoping that my money would last for 2 weeks. But then, ayun napasabak sa madugong gastusan. So wala na akong pera. I'm almost broke! Sakto nalang for the next 2 weeks. Until sa susunod na sweldo. Sakto lang para hindi ako mawala ng pera para pumasok sa office.

Vanity has its rewards
Ang Alamat ng Unat na Buhok
Pagkatapos ng sakit, pagkatapos maubos ang pera, eto na.. unat na ang buhok ko.